ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Parabula. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
The document discusses the characteristics of epics. Epics are long narrative poems that tell stories about the heroic deeds and adventures of larger-than-life characters through fantastical settings and events. They aim to inspire readers through embedded beliefs, customs, and ideals. Epics originated from ancient Greek and Spanish oral traditions and served to pass down cultural history and values to new generations. Examples of folk epics in the Philippines include the Ilocano epic Biag ni Lam-ang and the Visayan epic Maragtas.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Parabula. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
The document discusses the characteristics of epics. Epics are long narrative poems that tell stories about the heroic deeds and adventures of larger-than-life characters through fantastical settings and events. They aim to inspire readers through embedded beliefs, customs, and ideals. Epics originated from ancient Greek and Spanish oral traditions and served to pass down cultural history and values to new generations. Examples of folk epics in the Philippines include the Ilocano epic Biag ni Lam-ang and the Visayan epic Maragtas.
Dunia.pptx. Ang kwento ng batang orangutanLena Beth Yap
Hinihintay na lamang ng mga mangangaso ang kanilang kausap para sa hinuli nilang batang orangutan. Nang dumating ang taong bibili nito, inilabas nila mula sa kulungan ang nahihintakutang orangutan.
Sa palitan ng mga tanong, nalaman ng kanilang kliyente na isang taon pa lamang ang orangutan. Nahuli nila ito sa kagubatan ng Congo, Africa. Napatay nila ang ama at ina ng batang orangutan. Sadyang hinuli nila ito upang ipagbili bilang isang alaga.
Ngunit laking gulat ng mga mangangaso. Hindi pera ang dala ng kanilang kliyente. Mga pulis! Sinadya ang operasyong iyong upang sila ay maaresto.
4. ANG MATABA AT PAYAT NA USA
Noong unang panahon, may magkapatid na balo sa bayan ng Agamaniyog.
Sila ay sina Mapiya a Balowa at Marata a Balowa. Bawat isa sa kanila ay may anak
na babae. Ang anak ni Mapiya a Balowa ay si Anak na Mararaya at ang anak
naman ni Marata a Balowa ay si Anak na Marata.
Isang araw, pumunta si Mapiya a Balowa at ang kanyang anak sa kagubatan
upang manguha ng mga ligaw na hayop para may makain. Mangunguha rin sila
ng panggatong. Pinagpawisan sila nang marating ang kagubatan. Nadako sila
malapit sa nakahigang using ubod ng taba. Tinanong sila ng usa kung saan sila
pupunta. Sinabi ni Mapiya a Balowa na naghahanap sila ng ligaw na hayop. Nang
malaman ng usa na kailangan nila ng karne ng ligaw na hayop, nagmamakaawang
sinabi nito sa mag-ina na sa kanyang katawan na lamang kumuhadahil
mamamatay na rin siya. Nagtanong si Mapiya a Balowa kung bakit mamamatay
ang usa na mataba naman ito. Sumagot ang usa na dahil sa katabaan, hindi nito
makayanan ang kanyang katawan.
5. ANG MATABA AT PAYAT NA USA
Ngunit hindi rin ito mamamatay kung maingat ang mag-ina sa pagkuha ng karne sa
kanyang katawan at hindi maaabot ang puso nito. Naiiyak sa awa ang mag-ina kaya nang
magsimula na silang maghiwa sa katawan ng usa, naging sobrang ingat nila. Nang
mapuno na ang kanilang lalagyan, nagpaikot-ikot ang usa sa lupa hanggang mawala ang
sugat nito. Nagpasalamat ang usa sa mag-ina dahil nabawasan na rin ang kanyang
taba at ito’y umalis na. Umuwi na sa bahay ang mag-ina. Ipinagbili nila ang nakuha nilang
laman ng usa at dinala ang iba sa kanyang tiyahin na si Marata a Balowa. Subalit hindi ito
tinanggap ni Marata a Balowa. Sa halip ipinabalik niya ito at ipinagmalaking magkakaroon
din sila ng katulad noon. Nagtanong si Marata a Balowa kung saan nila nakuha ang karne
ng usa at ikinuwento naman ng anak sa tiyahin niya ang lahat. Kinaumagahan, pumunta
sa kagubatan si Marata a Balowa at ang kanyang anak. Pinagpawisan sila sa kalalakad at
tumigil sila sa ilalim ng puno. Nagdududa na sila sa ikinuwento ng anak lalo na ang anak
ni Marata a Balowa na si Marata. Matapos ang mahabang pagpapa inga, may nakita
silang usang payat at mahinang-mahina na halos di na makalakad.
6. ANG MATABA AT PAYAT NA USA
Nang makita ito ni Marata, masayang-masaya niyang ibinalita sa kanyang ina.
Nang makita ito ng kanyang ina, nanlumo ito dahil sa kapayatan ng usa.
Ngunit binalewala ito ni Marata at sinabing papatayin pa rin nila ito at
kukunin ang puso at atay. Nang marinig ng usang sinabi ni Marata, nagmakaawa
ito at sinabi pa nitong ito’y masakitin at payat. Hindi ito pinakinggan ni Marata.
Lumapit siya sa usa at hiniwa ito. Nagmamakaawa pa rin ang usa at sinabing
huwag galawin ang kanyang puso at atay dahil ito ang magiging dahilan ng
kanyang kamatayan. Patuloy sa paghiwa ang mag-ina hanggang sa nasugatan
nila ang puso at atay ng usa. Nang maramdaman ng usa na unti-unti nga
siyang pinapatay ng mag-ina, biglang tumayo ito at nagpagulong-gulong sa
mga laman na tinanggal sa kanyang katawan. Nabuo na muli ang katawan ng
usa na walang sugat.
Namatay ang mag-inang Marata a Balowa at Marata dahil sa ginawa nila sa
dipangkaraniwang usa.
7. PAGPAPAYAMAN
1. Bakit nagpunta sina Mapiya a Balowa sa kagubatan?
2. Ano ang kanilang nakita sa kagubatan?
3. Bakit hindi nila pinatay ang nakita nilang matabang usa?
4. Anong di kapani-paniwalang pangyayari ang naganap sa
pabula?
5. Bakit hindi tinanggap nina Marata a Balowa ang karne na
ibinibigay nina Mapiya a Balowa?
6. Bakit hindi nagtagumpay na makakuha ng karne ang mag-
inang Marata a Balowa?
8. PANITIKAN
Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasa anyo ng
tuluyan. Isa itong salaysay o kuwento na ang mga tauhan ay
mga hayop na nakakapagsalita, ngunit sa mas malalim na
pakahulugan ng kuwento, ang mga hayop na ito ay
nagsisilbing representasyon ng mga tao sa lipunan.
Katulad ng alamat ay nagbibigay ito ng aral sa mga
mambabasa. Karaniwang ginagamit ang pabula sa mga
kuwentong pambata upang makapag bigay ng aral.
9. Pangkatang Gawain
Panuto : Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng isang eksena na mula sa
binasang akdang. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minute para
makapaghandang kanilang itatanghal.
P1 – pagahahanap ng ligaw na hayop sa kagubatan.
P2 – pag-uusap ngmatabang usa sa mag-ina at pagkuha ng karne
hangga sa mapuno ang lalagyan.
P3 – pagkukuwento ni Mararaya sa tiyahin niyang si Marata A Balowa.
P4 – paghahanap ng hayop ng mag-inang Marata A Balowa at anak na
Marata.
P5 – nangyari sa nakitang payat na usa/ginawa ng mag-ina sa nakitang
usa.
10. GRAMATIKA
(Mga Ekspresyong naghahayag ng Posibilidad)
Sa pakikipag-ugnayan natin, pasalita man o pasulat, may pagkakataong nagpapahayg
tayo ng POSIBILIDAD. Ito ay mga pahayag na may pag-aalinlangan, maaaring
mangyari ngunit walang katiyakan. May mga pagkakataong nagkakatotoo at mayroon
din naming hindi. Naaayon din ito sa ipinahayag na sitwasyon.
Halimbawa:
Mga pahayag na malamang na magkatoto;
• Maaaring mawala ang inggit ni Marata a Balowa kung tatanggapin niya ang
katotohanan.
• Malamang na hindi making ang mag-ina sa pagkuha ng karne sa payatna usa dahil sa
kanilang pagnanasa.
11. Mga pahayag na malamang hindi magkakatotoo;
• Puweding magsalita ang isang usa.
• Hindi maaring mangyaring kumuha ng karne sa usa at ito ay mabubuhay.
Paglinang Gramatika.
Subukin mo naming sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng POSIBILIDAD. Tiyaking sumagot sa buong pangungusap.
1. Magagawa mo kayang magpakasakit para sa iyong minamahal sa buhay?
2. Magkakaroon kaya ng katuparan ang minimithi mong pangarap?
3. Ano ang magiging damdamin mo sa mga taong nag-iisip sa iyo ng hinidi mabuti?
4. Kung ikaw si Marata a Balowa, paano mo maiiwasan ang “inggit”?
5. Maari ba mangyari sa tao ang kaispan ng pabulang tinalakay?
12. Pangwakas
Nakikilala natin ang kultura o kaugalian ng isang
lugar sa pamamagitan ng mga nababasa nating mga
akda mula sa iba-ibang genre ng panitikan tulad ng
pabula. Nabasa natin ang isang pabula mula sa
Mindanao upang lalong lumawig ang kaalaman mo
tungkol ditto. Magsaliksik sa pabula sa iba-ibang
lugar sa Mindanao
(Pinagkuhanag impormasyon : Yugto:Pinagsanib na Wika at Panitikan, Rosana E. De
Guzman. The Library Publishing house, INC. 2018)