Conative, informative at labeling na gamit ng wika
1.
2. 1. Pumasok ka sa oditoryum ng inyong paaralan.
Nakita mong okupado na ng mga estudyante
ang mga upuan maliban sa isa na walang
nakaupo pero may bag na nakalagay. Alam
mo na ang may-ari ng bag ay ang
estudyanteng nakaupo sa tabi ng upuang may
bag. Ano ang sasabihin mo sa may-ari ng bag
para magamit mo ang bakanteng upuan?
ANO ANG SASABIHIN MO????
3. 2. Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase.
Matataas ang kanyang mga marka. Mahusay siya sa
lahat ng sabject. Kapag wala pa ang guro, nakaupo
lang siya at nagbabasa ng libro. Kapag recess naman
hindi siya nakikipagkuwentuhan habang kumakain,
sa halip, nagbabasa siya at pinag aaralan ang
kanilang mga leksiyon. Kapag sumasali siya sa
kuwentuhan, mas gusto niyang pinahkukuwentuhan
ang itinuturo ng kanilang mga guro. Madalas, ang
estudyanteng gaya ni Maribel ay binabansagan o
binibigyan ng iba’t ibang pangalan ng kanyang mga
kaklase. Ano-ano sa palagay mo ang mga pangalang
ibinibigay o ibinabansag samga estudyanteng gaya ni
Maribel?
4. 3. Habang nakasakay ka sa dyip papasok sa
eskuwelahan, napansin mong unti-unting
bumabagal ang takbo ng sinasakyan mong dyip.
Pagkatapos, nakakita ka ng mga nagtatakbuhang
mga tao na may dala-dalang gamit sa bahay.
Narinig mong may sumisigaw ng “Sunog!
Sunog!” Nang tumingin ka sa labas ng dyip,
nakita mo ang makapal na usok at malaking apoy
mula sa mga nasusunog na bahay. Pagdating mo
sa eskuwelahan, hinanap mo kaagad ang mga
kaklase mo para ibalita sa kanila ang tungkol sa
sunog. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
5. 4. Mahilig manghiram ng mga gamit mo ang
iyong kaibigan. May mga gamit ka pa sa
kaniya na hindi pa niya ibinabalik kahit
sinabihan mo na siya. Kanina, nanghihiram uli
siya ng bag at sinturon pero ayaw mo na muna
siyang pahiramin hangga’t hindi pa niya
ibinabalik ang mga gamit mong nasa kaniya
pa. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
6. ano ang ibig sabihin ng “bawal tumawid”? Ano ang
ipinahahatd ng pahayag na “may namatay na dito”? Ano ang
gamit ng wika sa pahayag na “Bawal tumawid may namatay
na dito”?
BAWAL TUMAWID.
MAY NAMATAY NA
DITO.
7. Wika ang midyum na
ginagamit natin sa
komunikasyon.
Wika ang instrumento sa
paghahatiran ng mensahe at
palitan ng reaksiyon ng mga
nag-uusap.
May mga gamit ang wika
8. AYON KAY ROMAN JACOBSON KABILANG SA
MGA GAMIT NG WIKA ANG:
Conative
Informative
Labeling
9. CONATIVE
Ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng utos o babala
sa kausap o grupo ng mga
tao.
Halimbawa:
“Huwag po ninyong kalimutang
isulat ang pangalan ko sa
inyong balota!”
10. INFORMATIVE
Sa mga sitwasyong may gusto
tayong ipaalam sa isang tao,
nagbibigay ng mga datos at kaalaman,
at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.
Halimbawa:
narrative report, news at iba pa
11. LABELING
Ang gamit ng wika kapag
nagbibigay tayo ng bagong tawag o
pangalan sa isang tao o bagay.
Halimbawa:
Pilosopo Tasyo, Sisang Baliw, King of
Comedy, Asia’s Song Bird, Pnoy,
Pambansang Kamao, Queen of all
Media, Fallen 44
12. SA KABUUAN:
Maging magalang tayo sa gamit
na CONATIVE kung nag-uutos tayo.
Tiyaking tama at totoo ang gamit
natin ng INFORMATIVE kung
nagbibigay tayo ng mga kaalaman at
impormasyon. Higit sa lahat, iwasan
natin ang pagbibigay ng negatibong
bansag o LABEL sa ating kapuwa na
maaring makasakit ng damdamin.
13. GAMIT NG WIKA SA COMMERCIAL TAGLINES
Magtala ng sampung commercial taglines sa Filipino.
Maaaring mula sa mga patalastas sa telebisyon, radyo o
anumang nakaimprenta. Isulat ang gamit ng wika sa
mga nahanap na taglines.
HALIMBAWA:
LBC – “Hari ng padala” LABELING
Mercury Drug – “Nakasisiguro gamot ay laging bago.”
INFORMATIVE
Super Ferry – “Sakay na!” CONATIVE
14. TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik kung sinong politiko ang gumamit
ng mga nakatalang islogan. Isulat kung
conative, informative o labeling ang gamit ng
wika sa bawat islogan.
15. Politiko ISLOGAN GAMIT NG WIKA
1. Juan Ponce Enrile Gusto ko, Happy ka! Conative
2. Mar Roxas Mr. Palengke Labeling
3. Benigno Aquino Jr. Kung walang korap, walang mahirap. Informative
4. Manny Villar Hindi bawal mangarap ang mahirap. Conative
5. Benigno Aquino Sr. Tama na, sobra na, palitan na! Conative
6. Franklin Drilon Big Man ng Senado Labeling
7. Joker Arroyo Pag bad ka, lagot ka! Conative
8. Alfredo Lim Ang Batas ay para sa lahat. Informative
9. Juan Flavier Let’s DOH it!
10. Teofisto Guingona Galit sa buwaya! Informative
11. Ferdinand Marcos Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan.
Informative
12. Eddie Villanueva Diyos at Bayan! Informative
16. Magsaliksik kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na
label o bansag.
1. Ama ng Wikang Pambansa
2. Huseng Sisiw
3. Ina ng Katutubong Sayaw na Pilipino
4. Makata ng Manggagawa
5. Lola Basyang
6. Ama ng Himagsikan
7. Huseng Batute
8. Ama ng Balarilang Tagalog
9. Utak ng Katipunan
10.Dakilang Lumpo
1. Lakambini ng Katipunan
2. Mommy D
3. Da King
4. Kabayan
5. Pacman
6. Star for all Seasons
7. Asia’s Song Bird
8. Mr. Pure Energy
9. Pacmom
10.The PBA Legend
17. •
Ama ng Wikang Pambansa
•
Huseng Sisiw
•
Ina ng Katutubong Sayaw na Pilipino
•
Makata ng Manggagawa
•
Lola Basyang
•
Ama ng Himagsikan
•
Huseng Batute
•
Ama ng Balarilang Tagalog
•
Utak ng Katipunan
•
Dakilang Lumpo
•
Lakambini ng Katipunan
•
Mommy D
•
Da King
•
Kabayan
•
Pacman
•
Star for all Seasons
•
Asia’s Song Bird
•
Mr. Pure Energy
•
Pacmom
•
The PBA Legend
1. Manuel Luis Quezon
2. Jose de la Cruz
3. Francisca Reyes-Aquino
4. Amado V. Hernandez
5. Severino Reyes
6. Andres Bonifacio
7. Jose Corazon de Jesus
8. Lope K. Santos
9. Gregorio del Pilar
10. Apolinario mabini
11. Gregoria de Jesus
12. Dionisia Pacquiao
13. Fernando Poe Jr.
14. Noli de Castro
15. Manny Pacquiao
16. Vilma Santos
17. Regine Velasquez
18. Gary Valenciano
19. Dionisia Pacquiao
20. Robert Jaworski