Iskemang Subkintrakting and Employment& unemployment.pdf
1.
2. Iskemang Subcontracting
Mas tumindi ang kompetisyon sa hanay ng dayuhan at
lokal na kumpany at korporasyon bunsod ng
globalisasyon.
Dahil dito, mas nahikayat ang mga namumuhunan na
pumasok sa bansa dahilan upang lumaganap ang
iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa.
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan
sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata
ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.
3. Malaki ang kapakinabangan ng iskemang ito sa
mga kumpanya na may malalaking proyekto at
naghahangad din ng mataas na produktibo.
Ang iskemang subcontracting ay may
dalawang umiiral na anyo, ang job contracting
at labor-only contracting. Ngunit ang labor-
only contracting ay hindi pinapayagan sa
batas dahil naaapektuhan nito ang seguridad
ng mga manggagawa sa trabaho.
4. Unemployment at Underemployment
Mula sa kasalukuyang datos ng
Philippine Statistics Authority (PSA),
tinatatayang 2 milyon ang kabuuan
bilang ng mga manggagawa sa ilalim ng unemployment
at 5.6 milyon naman ang kabuuang bilang ng mga
manggagawang bahagi ng underemployment. Ang
unemployment ay isang sitwasyon kung saan ang isang
indibidwal ay walang mapasukang trabaho sa kabila ng
pagkakaroon ng kasanayan at kakayahan.
5. Samantalang ang underemployment naman ay
kalagayan ng mga manggagawa kung saan
nangangailangan pa ng karagdagdagang oras ng
pagtatrabaho o dagdag hanapbuhay upang mapalaki
ang kita.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita
ng kabuuan bilang ng mga manggagawa batay sa
estado ng kanilang paggawa.
6. Talahanayan 3. Percent Distribution of Population 15 Years
Old and Over by Employment Status and by Region: October
2019
Region Total Persons in
the Labor Force
Total Employed
Persons
Total
Unemployed
Persons
Total Under-
employed
Philippines
Number (in
thousands)
45,194 43,144 2,050 5,616
Total 100.0 100.0 100.0 100.0
National Capital
Region (NCR)
12.6 12.6 12.8 3.5
7. Cordillera
Administrative
Region (CAR)
1.8 1.8 11 1.2
Region I (Ilocos
Region)
5.1 5.0 5.8 6.6
Region II (Cagayan
Valley)
3.5 3.5 2.8 3.5
Region III (Central
Luzon)
10.9 10.8 11.3 6.9
Region IV-A
(CALABARZON)
14.7 14.5 18.7 12.6
MIMAROPA Region 2.8 2.8 2.3 3.5
Region V (Bicol
Region)
5.8 5.8 6.1 11.6
8. Region VI (Western
Visayas)
7.5 7.5 7.0 6.1
Region VIII (Eastern
Visayas)
7.7 7.7 7.2 9.8
Region VII (Central
Visayas)
4.2 4.2 3.9 5.3
Region IX
(Zamboanga
Peninsula)
3.5 3.5 1.5 5.3
Region X (Northern
Mindanao)
5.1 5.1 3.9 8.6
Region XI (Davao
Region)
4.9 5.0 4.5 3.6
Region XII
(SOCCSKSARGEN)
4.5 4.5 4.1 6.7
Region XIII (Caraga 2.6 2.6 2.7 3.4
Autonomous Region
in Muslim
Mindanao (ARMM)
3.0 2.9 4.3 1.9
9. Tunghayan ang Bulb Venn diagram tungkol sa dalawang anyo
ng iskemang subcontracting.
Labor only Contracting Job Contracting
Anyo Ng iskemang
subcontracting
Walang sapat na puhunan
subcontractor upang
gawin Ang trabaho Ng mga
manggagawa walang
direktang ugnayan sa
gawain ng kompanya
May sapat na puhunan ng
subcontractor upang
maisagawa ang trabaho
at gawain ng mga
manggagawang ipinasok
Ng subcontractor.
Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang iba’t ibang uri ng manggagawa,
partikular ang katergoryang hindi regular o nasa ilalim ng iskemang
subcontracting.
10. Iba’t Ibang Uri ng Manggagawa
Regular
Hindi
Regular
Manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang
kailangan ng nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng
isang taon sa trabaho.
Regular employee
Apprentices/
Learners
Manggagawa na bahagi ng TESDA apprenticeship
program at On-the-Job Training (OJT) na mga mag-
aaral na walang regular na sahod.
Manggagawa na mahalaga ang trabaho sa
kompanya ngunit hindi kasinghalaga ng mga
regular na empleyado
Casual workers
11. Manggagawa ng kompanya na nagtatrabaho ayon sa pinirmahang
kontrata 0 kaya naman ay nagtatrabaho base sa tagal ng isang
proyekto.
Contractual/
Project-based
workers
Ang manggagawang inoobserbahan ng employer sa loob ng anim
na buwan upang malaman kung ang manggagawa ay
kwalipikado nang maging regular.
Probationary
workers
Manggagawa na tinatanggap o kinukuha sa isang sa partikular na
panahon.
Seasonal
workers
Matutunghayan sa mga talahanayan sa ibaba ang kabuuan ng mga manggagawa na
nasa kategoryang hindi regular o kontraktuwal.