2. Mga Layunin
• Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa,
• Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa
sa kanya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at pulitikal, at
• Nahihinuha na ang pagiging ganap niyang tao ay
matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na
indikasyon ng pagmamahal.
3. Sa paghakbang ng isang nagdadalaga o nagbibinata patungo
sa paglago bilang tao, unti unti na siyang nabibigyan ng kalayaan ng
kaniyang mga magulang sa pagpili ng kaniyang mga kaibigan. Ang
panahong ito ang naghuhudyat sa kanila na hindi na sila bata, ngunit,
hindi parin naman mga dalaga o binata. Ito ang sinasabi ng mga
sikolohista na identity crisis.
Sa kalagayang ito, nagiging matindi ang kanilang
pangangailangan sa pakikipagkapuwa. Dala na marahil ang
pangangailangang ito ang kanilang paghahanap ng sagot sa
maraming katanungan at pagtataka sa ilang pagbabago na
nagaganap sa katawan at kaisipan. Sa ganitong kondisyon,
marapat na ang kapuwa na makaiimpluwensiya sa kanila
ay may wasto ring pagnanais na mapabuti ang lahat ng
aspeto sa kanilang buhay.
4. Ang impluwensiyang maidudulot sa
isang kabataang tulad mo ay maaaring
tumutukoy sa mga sumusunod:
intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal. Ang
lahat ng mga nabanggit ay siguradong
mararanasan natin sa ating buhay,
kaya’t mabuti kung wastong
impluwensiya ng kapuwa ang iyong
makukuha.
6. Ang Impluwensiyang Intelektuwal
Ayon kay Mehta (2013), ang mga kaibigan ng isang mag-aaral ay
nakaiimpluwensiya sa kaniyang marka, higit sa impluwensiya ng kaniyang mga magulang.
Gamit ang mga salita ni Vera Borukhov, isang guro, sinabi ni Mehta na,
“Ang mga kabataang may positibong panlipunang buhay, ay kadalasang
mataas ang gawaing pang-akademiko.” Kapag nakikita ng mga bata na ang
kanilang mga kaibigan ay mahilig sa mga gawaing pampaaralan, malamang na
magpupunyagi siya sa gawaing pang-akademiko upang makasunod siya sa naabot
na mataas na marka ng kaniyang mga kaibigan. Kapag ang isang batang
nakatatanggap dati ng katamtamang marka, ay biglang napasama sa isang kaibigang
nasa honor roll, malamang na biglaang tataas din ang kaniyang marka dagdag na
paliwanag ni Mehta.
8. Aspeto ng Impluwensiyang
Panlipunan
• Impluwensiyang panlipunan kung saan ang mga tao
ay nagbabago ng pananaw o ugali upang sumunod sa
umiiral na sosyal na pamantayan.
• Isang porma ng sosyal na impluwensiya na may
direktang kahilingan mula sa ibang tao patungo sa iba.
• Isang porma ng sosyal na impluwensiya kung saan
ang isang tao ay tuwirang nag-uutos upang isagawa
ang mga tiyak na kilos.
10. Ang Impluwensiyang
Pangkabuhayan
Ang kadalasang napag-uusapan sa impluwensiyang
ito ay may direktang kaugnayan sa kakayahang
pinansiyal ng pamilya sa mga kabataan. Sa
obserbasyon ng marami, ang nagsisilbing bigkis
sa pagsasama-sama ng mga kabataan ay
naaayon sa kani-kanilang kakayahang pinansyal.
Ito ay napatunayan sa isang pag-aaral nina
Hjalmarsson at Mood (2015)
11. Ang Impluwensiyang Politikal
Sa artikulong “How Family Communication Can Influence Our
Political Identities”, sinabi ni Hoffman (2012) na sa hapag-kainan
pinag-uusapan ng pamilya ang isyu sa politika. Binibigyang diin ni
Hoffman na , anomang uri ng komunikasyon ang ginagamit ng
pamilya - kung ukol man sa pamahalaan o hindi, ay maaaring
magkaroon ng impluwensya sa pagkiling nito sa politika.
Nadala tayo sa kapaligirang politikal, ayon kay Hoffman, sa
pamamagitan ng paaralan, mga kaibigan, at ng media. Ang
komunikasyong pam-pamilya, na hinihimok ang mga anak na
maghayag ng opinyong politikal ay mas maalam sa mga
pampublikong pangyayari, dagdag ni Hoffman.
12. Gawain 1: Kilalanin ang Sarili
Panuto: Suriin kung ang mga katangian o gawi ng isang taong
mabuting makipagkapuwa ay nasa iyo. Lagyan ng tsek (√) ang
sagot na angkop sa iyo.
Bilangin ang nilagyan mo ng tsek sa Nasa Iyo Ba Ito? Kung ito ay 15
pataas, mahusay ang iyong kakayahang panlipunan. Kung 10 hanggang 14
naman ang iyong nakuha, kaunting sikap pa sa pagpapaunlad ng iyong
kakayahang panlipunan. Kung 9 pababa, higit na pagsasanay pa ang iyong
kailangan. Sa ganitong pagkakataon, hayaan mong malinang ang iyong
kakayahang panlipunan sa pamamagitan ng impluwensiya ng iyong mga
kaibigang mataas ang antas ng kakayahan sa pakikipgkapuwa.
13. Gawain 2: Pagsasanay
Panuto A: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tiyak na salita o mga
salitang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Impluwensiyang ukol sa kakayahang kumita para sa pangangailangang
ekonomikal. ____________
2. Bagay na ginagawa ng tao na nagpapatunay na siya ay panlipunang nilalang.
_________________
3. Impluwensiya na naging epekto ng isang tao sa paniniwala o ugali ng iba.
____________
4. Uri ng impluwensiyang kung saan interesado ang tao sa mga isyu ukol sa
pamahalaan, mga kandidato, eleksyon, at iba pa. _______________
5. Uri ng impluwensyang nagkakaroon ng inspirasyon mula sa kapuwa upang
maging mahusay sa gawaing pang-akademiko. _____________
14. Panuto B: Ipaliwanag sa loob
ng dalawa o tatlong
pangungusap kung bakit
mahalaga ang impluwensiyang
intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal sa
pag-unlad ng pagkatao ng
isang kabataang tulad mo.
15. PT in EsP 8
Unang Task - Gamit ang dayagram, isulat ang pangalan ng
iyong naging kaibigan at kasalukuyang kaibigan na
nakaimpluwensiya sa iyo pati narin ang uri ng naging
impluwensiya nila sa iyo. Isulat ang kanilang pangalan sa ilalim ng
uri ng impluwensiya,at sa tapat ng pangalan, ang mga tiyak na
katangiang natutuhan mo sa kanila.
Pamantayan:
• Presentasyon – 10
• Pagkamalikhain – 10
• Organisado – 10
16. PT in EsP 8
Ikalawang Task - Magbalik-tanaw sa mga panahong
nangangailangan ka ng tulong na maaaring natugunan ng alinman
sa mga aspeto ng mga impluwensiyang napag-aralan sa araling
ito. Sino ang taong iyon na naglingkod sa iyo? Pagnilayan kung
ano ang maaaring nangyari kung hindi ka nakatanggap ng tulong
mula sa taong iyon. Isulat ang iyong napagnilayan sa nakalaang
kahon. Magdikil din ng larawan ng iyong kaibigan na nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa iyo.
Pamantayan:
• Presentasyon – 10
• Pagkamalikhain – 10
• Organisado – 10
18. PT in Araling Panlipunan 8
Ikaw ay isang modernong historyador na naatasang
gumawa ng malikhaing gawain upang maipakita ang
kagandahan ng Kabihasnan ng Roma. Gumawa ng
flyers upang maipamahagi sa mga turista na nais
bumisita dito.
Pamantayan:
• Presentasyon – 10
• Pagkamalikhain – 10
• Organisado – 10