8. Basahin ang mga salita at sabihin kung ito
ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
_______ 1. babae
_______ 2. simbahan
_______ 3. aklat
_______ 4. kaarawan
_______ 5. pusa
9. “Ang Munting Hardin”
ni Sarah Jane A. Bagay
Sa munting hardin nina Mario at Gloria ay may iba’t ibang
tanim. Nakakatuwang pagmasdan ang bawat bunga ng tanim ng
ng mag-asawang plantito at plantita.
Prutas at gulay ay sagana sa bunga. Kaygandang
pagmasdan at lahat masustansya.
Isang araw bumisita ang anak nilang si Ana. Maaga palang ay
gayak na gayak na ito kasama ang alagang aso para magtungo
sa hardin ng ama’t ina. Dala ang malaking basket na sisidlan ng
gulay at prutas. Kayrami at sobrang sariwa ang mga tanim sa
hardin. Tuwang tuwa si Ana sa pamimitas maging ang ama at ina
nito sapagkat masaganang ani ang hatid nito sa kanilang
pamilya.
10. Narito ang mga gulay at prutas na naani sa hardin ni
Mario at Gloria.
11. Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Saan nangyari ang kwento? (hardin-pangngalan ng
lugar)
3. Sino-sino ang tauhan sa kwento? (Mario, Gloria at
Ana-pangngalan ng tao)
4. Ano-ano ang mga gulay at prutas na nabanggit sa
kwento (pangngalan ng bagay)
5. Ilan lahat ang bilang ng naaning kamatis,papaya,
talong, okra, at manga sa hardin ng mag-asawa.
6. Ano ang maaring maidulot ng pagkain ng gulay at
prutas sa ating katawan?
12. Tignan ang mga larawan at basahin ang salitang katumbas
nito na mula sa kwentong binasa.
13. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang mula
sa kwentong binasa.
1. Mario ay isang magsasaka.
2. Si Gloria ay mahilig magtanim.
3. Maraming tanim na gulay at prutas sa hardin.
4. Si Ana ay masipag.
5. Maraming laman ang basket.
6. Ang aso ay kumakahol.
7. Malalaki at sariwa ang kamatis.