3. MICHAEL de MONTAIGNE
“Ama ng Sanaysay”
Tawag niya sa
sanaysay ay Essai na
ang kahulugan ay
isang pagtatangka,
pagtuklas, at
pagsubok sa anyo ng
panulat.
4. Ito ay kanayang napagtagumpayan ng
mailathala ang kanyang aklat na
naglalahad ng;
“ Nais kong makita ako rito sa simple,
natural, ordinaryong pananalig, nang
walang paggiit o pamumuwersa,
panghihikayat at panlilinlang dahil
isinasalawaran ko'y sarili ko.”
5. Kung susuriin ang katangian at
kaanyuhan ng sanaysay ito ay
mauugat sa sibilisasyong Greyego,
Romano, at iba pa.
Ang panunuri at pananagubiling
pampanitikan nila Aristotle at Horace
ay masasabing maigting na ito noon pa
man. Ang anyong ito ng komposisyon
kung tagurian sa wikang latin ay
oxageum.
6. Mula noon nagsimula ng
magsulat ang mga mamayan sa
Inglatera na kakayahan at talino sa
pagsulat ng sanaysay.
FRANCIS BACON
7. Noong 1597 nagsimula siyang
magsulat ng mga sanaysay na
naglalaman ng saloobin at
kaisipang punong-puno ng
buhay kaya siya kinilala bilang
“Ama ng Sanaysay na Maanyo o
Pormal.”
8. Noong 17-dantaon kaunti lamang
ang naisulat na sanaysay ngunit
marami ang naghangad na sundan
ang mga yapak ni Bacon tulad ni;
IZAAK WALTON
- The Compleat Angler
- Tungkol sa pamimingwit
at pakikipagkaibigan.
9. THOMAS BROWNE
- Religio Medici at Urn Burial
- Tugkol katutubong kaugalian
JOHN DRYDEN
- Tungkol sa panitikan at sining
- An Essay of Dramatic Poesy ang
pinakamahusay na sanaysay na
kanyang nagawa.
10. MANANAYSAY NOONG IKA-18 DANTAON
Richard
RICHARD STEELE
JOSEPH ADDISON
SAMUEL JOHNSON
OLIVER GOLDSMITH
11. Ang sanaysay ay halos magkasabay ang pagkalipat
nito sa Amerika at Pilipinas.
WASINGTON IRVING (Amerika,1819)
- Sketch Book
P. MODESTO de CASTRO
- Urbana at Feliza
- “Ama ng panitikang klasiko sa tuluyan”
- Nobela ng ito'y kanyang ipakilala, tungkol sa
magkaibigang magkalayo at nagsusulatan. Ito pala ay
sanaysay na Epistolaryong Sanaysay.
12. Gayon din ang liham ni Jose Rizal sa
kanyang mga kaibigan
-Ito’y sa ikalawang hati ng 19 na siglo
-Pormal ang kanyang pananalita
Sanaysay bilang mga sangay ng
pantikan ay nabuhay sa Pilipinas noong
huling siglo ng pananakop ng mga kastila.
Sumulong ito nang dumating ang
himagsikan. Una, laban sa mga kastila.
Pangalawa, laban sa mga Amerikano.
13. Si Jose Rizal ay sumama ring
nakipagpropaganda kina Marcelo H. del
Pilar at Graciano Lopez Jaena sa
pahayagang La Solidaridad na itinatag ni
Marcelo H. del Pilar.
Hindi na paliham ang anyo ng sanaysay
rito kundi patudling.
Gayon din sina Andres Bonifacio at Emilio
Jacinto sa pahayagan ng Katipunan, Ang
Kalayaan.
14. Ang paghihimagsik laban sa mga Amerikano
ang nag-udyok naman kay Apolinario Mabini
upang sumulat ng mga sanaysay.
Ang unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano (1901- 1910) ay itinatangi rin sa
kasaysayang isang yugto ng panunupil lalo
na sa karapatang-pamamahayag.
Ang isa sa mga itinuring na
subersibongdiyaryo ay ang El Nuevo Dia na
pinamatnugutan ni Sergio Osmeña sa Cebu.
15. Sa Maynila, isinirkula naman ang El
Renacimiento. Pinamatnugutan naman ito ni
Rafael Palma. Nagkaroon pa ito ng
paglalathala sa wikang Tagalog, ang Muling
Pagsilang.
Katunayan, isa na rito ang di-
makakalimutang Aves de Rapiña na
tumuligsa sa eksploytasyong ginagawa noon
ng mga Amerikanong opisyal at
mangangalakal kaya ito ay naging usapin sa
hukuman sa kasong paninirang-puri o libel.
16. Dalawang pangkat ng mga mananalaysay
noong panahon ng amerikano
Ang henerasyon dekada 20 na hindi pa
gaanong marurunong sa Ingles kaya
mahihina ang pambansa nitong
kahalagahan;
At ang henerasyon 30 hanggang hanggang
sa magkagiyera na naging magaan na ang
pagsulat sa idiomang Ingles
17. Nakilalang mananaysay sa tulong ng The College
Folio at Literary Apprentice ng Pamantasan ng
Pilipinas at ng mga magasing Free Press,
Graphic at iba pa.
Una sina Lope K. Santos, Carlos Ronquillo,
Julian Cruz Balmaceda, Iñigo Ed Regalado, atb.
Ikalawa ay sina Carlos P. Romulo, Vicente M.
Hilario, Salvador P. Lopez, IV. Millari,
Francisco Icasiano, atb.
18. Sa kalahating dekada nang pananakop ng
mga Hapon (1941-1945), sa pangunguna ni
Kinichi Ishikawa
Wikang tagalog ipinagamit
sumikat ang Liwayway
Nakilala ang panitikang tagalog
Dito nakilala sina Maria Luna, Lina Flor
at Maria Mababanglad bilang mananaysay.
19. Natapos ang digmaan. Nanauli ang
kalayaan
Patuloy na dumaloy ang “isip-
Pinoy”.
Ang sanaysay ay isa sa mga
naging hanayhayang tunghayan
ang kamalayan.
20. Sa huling hati ng dekada 40 (1945-1950), ang
sanaysay ay lumuklok sa trono ng lugod ng mga
mambabasa.
Batikang Mananalaysay
Teodoro A. Agoncillo
Alejandro Rufino
Liwayway A. Arceo
Brigido Batungbakal
Manuel Principe Bautista
Genoveva D. Edrosa
21. Alfredo S. Enriquez
Clodualdo del Mundo
Macario Pineda
Narciso G. Reyes
Trinidad Tarrosa Subido
Fernando Monleon
Gregorio Garcia
22. Antonio B. L. Rosales
Apolonio C. Arriola
Epifanio Isar
Matute
Pablo R. Glorioso at marami pang iba.
23. Nailimbag na kathang sanaysay nang lumaong
pagsulong ng panahon mula 1950 hanggang sa
kasalukuyang dekada.
• Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla,
Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa
aming Sulok ni Paraluman Aspiras, Ako’y
Isang Tinig ni Genoveva Edroza, Bato sa
Katedral ni Ponciano B. P. Pineda, Pintig ni ni
B. S. Medina, Karanasan nina B. S. Medina et
al.
24. • Laging may Bituin ni Gemiliano Pineda,
at iba pa; sa mga inilakip sa mga aklat-
pampaaralan at magasin, sa koleksyon
ng mga organisasyong patimpalak- Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature,
Gawad Surian, at iba pa.
25. Sa mga paaralan ngayon, ang pag-aaral sa
pagsulat at pagbasa ng sanaysay ay kabilang
na sa kurikulum.
Ang sanaysay ay mananatili at
magpapatuloy sa panulat ng henerasyon
ngayon at ng mga susunod pa.