Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
ppt ap10.pptx
1. KONTEMPORARYONG ISYU- tumutukoy sa anumang kaganapan,
ideya, opinyon o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon.
LIPUNAN- tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.
ISYUNG POLITIKAL- Ito ay tumutukoy sa paksang may kinalaman
sa mga teorya o sa mismong pamamalakad ng gobyerno.
KULTURA- Isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay
kahulugan sa paraan ng pamumuhay sa isang grupong panlipunan.
REPUBLIC ACT 9003- Batas na ipinatupad upang magkaroon ng
legal na batayan sa ibat-ibang desisyon at proseso ng pamamahala
ng solid waste sa bansa.
KALAMIDAD- Ito ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na
maaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian at kabuhayan.
CLIMATE CHANGE- Isang pagbabago sa estadistikal na katangian
ng sistema ng klima kapag isina alang-alang ang paglipas ng
mahabang panahon.
2. HAZARD- Ito ay tumutukoy sa sa mga banta na maaring
dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
SOLID WASTE- mga basurang mula sa tahanan at
komersyal na establisyemento, mga basura na nakikita
sa paligid, mga basura na galing sa sektor ng agrikultura
at iba pang basurang hindi nakalalason.
ANTHROPOGENIC HAZARD- mga hazard bunga ng
gawain ng tao.
NATURAL HAZARD- mga hazard na dulot ng kalikasan.
VULNERABILITY- tumutukoy sa mga tao, lugar at
emprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng hazard.
RISK- tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian
at buhay dulot ng pagtama ng kalamidad.
3. IBAT-IBANG URI NG KALAMIDAD
BAHA- Ito ang resulta ng labis na pag ulan, biglaang
pagbuhos ng malakas na ulan o thunderstorm, at tuloy tuloy
na pag ulan sa loob ng ilang araw.
LINDOL- Ito ay biglaan at mabilis na pagyanig o paggalaw
ng fault sa ibabaw ng daigdig o earth crust.
INTENSITY- Ito ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang
lugar dulot ng lindol.
TSUNAMI- Ito ay kilala bilang seismic waves na serye ng
malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa tubig.
OIL SPILL- kadalasang nagaganap ito kapag hinayaang
bumiyahe ang tanker ng langis kahit na masama ang
panahon.
4. AIR POLLUTION- Ito ay dulot ng masasama at
nakakalasong gas at iba pang fumes na humahalo sa
malinis na hangin.
DEPORESTASYON- Ito ay ang pagkakalbo ng
kagubatan sanhi ng malabis o ilegal na pagpuputol ng
mga puno, pagmimina at pagkakaingin.
EPIDEMYA- Ito ay mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso
ng nakakahawang sakit na mas mabilis kaysa normal
nitong pagkalat sa isang partikular na lugar.
NDRRMC- Tinitiyak ng sangay na ito na maproteksyunan
ang mga mamamayan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at krisis.
PUBLIC STORM WARNING SIGNALS- Ang mga ito ang
babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman ang
mga detalye ukol sa paparating na bagyo.